Anjanette Abayari, nakaranas ng hirap

 

Matagal-tagal na rin bago magkaroon ng balita sa dating beauty queen at aktres na si Anjanette Abayari matapos niyang tamasahin ang kasikatan noong dekada 90.

Kung matatandaan, manalo si Anjanette bilang Bb. Pilipinas-Universe noong 1991 ngunit na-dethrone dahil sa citizenship issue na naging malaking balita noon sa showbiz at pageant industry.

Pero despite that, napaganda naman ang shift niya sa showbiz, lalo na nang makopo niya ang isa sa mga pinaka-aasam na role sa bansa – ang maging isang Darna at noong 1994 nga ay talagang sumikat siya dahil dito.

Ayon kay Anjanette, na isang Filipino-American at naging leading lady din ng mga sikat ma action stars noon, 30 pelikula ang nagawa niya sa mahigit pitong taon niya sa showbiz.

“Because my whole intent was just to go and work. I wasn’t anywhere near my family. It was just me there alone. I wanted to just not have any time to miss them,” saad ni Anjanette sa panayam ni Cristina Gonzalez-Romualdez sa kanyang vlog.

Ayon pa sa dating aktres, naninirahan siya ngayon sa Los Angeles, California kasama ang dalawang anak mula sa mga naging karelasyon noon. Asawa na siya ngayon ng isang pastor na si Gary Pangan.
Aminado rin si Anjanette na naligaw siya ng landas noong nasa showbiz pa.

“Life happens and then we kind of drift apart from Him…in and out, in and out. Showbiz is the world. The temptations of the world get to us. We’re only humans. We all fall short. So that’s what happened. I was more about pride and myself and all just… everything was just me, me, me,” kuwento niya.

Aminado rin siya na mali-mali ang pinili niyang lalaki noon, “We’ve had a lot of boyfriends in our lives most of my boyfriends were all based on choices, of how they looked or whatever.

“That it’s always about our image before. And you think, ‘Okay, maybe.’ But then it never works out. They don’t have that respect for God. They don’t have that fear. They don’t have law or commandment or things that they go by. That always hurt you somehow,” sabi ni Anjanette.

Isa sa hinding-hindi malilimutang iskandalo sa buhay niya ay nang magtungo siya sa Guam noong October, 1999 kung saan nahulihan siya sa Guam airport ng drug paraphernalia na naging dahilan para ma-blacklist siya sa immigration bureau sa Guam kasabay ng pagdeklara sa kanya ng persona non grata sa Pilipinas.

Ngunit sa isang interview noon, pinanindigan ni Anjanette na hindi sa kanya ang mga nasabat na drug paraphernalia. Talagang hiyang-hiya raw siya noon, “I was still hiding from just my shame, and guilt, and all that.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *