May payo ang aktres at beauty queen na si Kylie Verzosa sa mga hindi pinalad na manalo sa nakaraang Binibining Pilipinas 2022 pageant at ayon sa dalaga, hindi dapat mawalan ng pag-asa ang mga ito.
“Parang when it’s your time it’s your time. And sana kapag time mo you know when to use it at alam mo kung paano siya, when to step on the grass , or when to clap for others,” saad ni Kylie.
Sinabi pa ng 2016 Miss International na okay at aprub naman sa kanya ang choices ng mga judges.
“For me ha, ang ganda ng production value ng Binibining Pilipinas ngayon, and every year parang umaangat siya. Happy ako for all the winners,” sabi ni Kylie.
Boto rin umano ang dalaga kay Binibining Pilipinas International 2022 na si Nicole Borromeo ng Cebu City na siyang magre-represent sa Pilipinas sa Miss International pageant na yearly ginaganap sa Japan.
“I think yung nanalo ng Binibining Pilipinas International fit siya doon sa peg ng Miss International. And may iba rin akong friend na tinuruan at nanalo and I’m very happy for them. Ang gaganda nila, ang gaganda ng mga queens ngayon,” sabi ng dalaga.
Samantala, ipinagdiinan naman niya na never niyang ikinumpara ang sarili niya sa ibang tao.
“Hindi ko kasi kinu-compare yung track ng career ko sa iba. Kasi iba naman yung direction ko sa kanila. At saka ever since, hindi ko talaga kinu-compare yung sarili ko sa iba. Parang yun yung isang…siguro yon ang masasabi ko sa akin hindi ako mahilig mag-compare sa ibang tao. I just try to focus myself sa sarili ko lang, sa sarili kong self-improvement, self-development. Tapos I make sure na happy ako para sa success ng iba kasi ang feeling ko kapag ganu’n mas magaan sa buhay, mas magaan sa ‘yo na happy ka para sa kanila and I also believe na there’s enough to go around for everyone. So, parang yon yung ano ko, that’s how I think about life,” sabi ni Kylie.
Samantala, excited na si Kylie sa bago niyang sexy-romance movie na “Baby Boy, Baby Girl” na isinulat at ididirek ni Jason Paul Laxamana. Makakasama niya uli rito si Marco Gumabao na ilang beses na niyang nakatrabaho.
“Actually, nu’ng nakita ko pa lang yung title na Baby Boy, Baby Girl, sobrang nagkainteres na ako sa project. Tapos nu’ng pinitch na siya sa akin sobrang na-excite ako. Kasi I’ve been a fan of Direk JP’s work and I’ve always wanted to work with him matagal na. So nu’ng in-offer na sa akin ito agad ko siyang tinanggap without a doubt, as in 100 percent go na. Tapos nu’ng sinabi din sa akin na kasama si Marco, feeling ko nga si Marco yung unang na-cast kasi for him talaga yung baby boy. Tapos nu’ng binigay sa akin I was so excited kasi makaka-work ko ulit si Marco and then makaka-work ko si Direk, so I’m just very excited and very grateful to be working with them,” saad ng dalaga.