Maja Salvador, pasok sa comedy

Napanood na ang pilot episode ng “Oh My Korona” na bagong sitcom ng aktres na si Maja Salvador sa TV5. Ito ang unang line production venture ng Crown Artist Management ng fiancé nitong si Rambo Nuñez.

Marami ang nagsasabing pasok na pasok ang mga hirit ni Maja sa comedy at hindi umano “hard sell” ang dalaga sa kanyang bagong sitcom.

Ang sitcom ay ang pinagsama-samang ideya nina Maja, Pooh at ang actor na si Joey Marquez. Isinama pa ang ibang cast na may kanya-kanyang inputs din, e, mage-enjoy and relax lang ang “Oh My Korona.”

Timing kasi ang linyahan nina Kakai Bautista bilang Marga, Pooh bilang Gerry, Thou Reyes bilang Kobe, Christine Samson bilang Layla, Jessie Salvador bilang CJ, Jai Agpangan bilang Betchay, Guel Espina bilang JM, Queenay bilang Emy at surprisingly, me sense of humor pala itong si RK Bagatsing bilang Tim.

Si RK ang leading man ni Maja sa sitcom, balik-tambalan ang dalawa pagkatapos nilang mag-dramahan, magsakitan at manindak ng mga kababayan nila sa teleseryeng “Wildflower” sa ABS-CBN noong 2017 na dahil sa sobrang ganda ay umabot ito ng isang taon.

Aminado naman si Maja na takot siyang gumawa ng sitcom dahil hindi niya ito forte kasi nga mas kabisado niya ang umiiyak, nanakit, nagagalit at nagda-drama.

Kaya sobrang laki ang pasalamat niya sa Cornerstone Entertainment dahil sinugalan siya para sa unang comedy-seryeng “Nino Nina” na line-producer for TV5 at Cignal Entertainment.

Inamin ng tinaguriang Majestic Superstar ng TV5 na malaki ang influence ng Nino Nina sa paggawa niya ng Oh My Korona na idinirek ni Ricky Victoria.

For the record, komedyana sa likod ng camera si Maja kaya tawa nang tawa ang mga press people kapag nai-interview siya at makikita rin naman iyon sa vlogs niya ang personalidad niya.

Gagampanan ni Maja ang karakter ni Lablab, isang hotel manager na nawalan ng trabaho pero naging tagapag-mana ng boarding house mula sa kanyang late beauty queen-actress mother kaya siya ay magiging landlady ng mga tenants na mga showbiz wannabes.

Isa ang Oh My Korona sa series of commitments ni Maja para sa TV5 at Cignal Entertainment na in-anunsyo sa nakaraang media conference ng Majestic Superstar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *