Herlene Budol, proud

Matapos sumabak sa Bb. Pilipinas 2022 pageant, sinabi ng komedyanang si Herlen Budol na proud siya sa kanyang ginawang pagsagot sa question and answer portion ng beaucon at naniniwala siyang gumawa siya ng kasaysayan sa naturang national pageant dahil siya raw ang kauna-unahang kandidata na nag-Tagalog sa Q&A round bilang isa sa Top 12 semifinalists.

Kahit pa naging first runner up, humakot naman siya ng special awards at sa kanyang FB, sinabi ni Herlene na proud siya sa sarili dahil sa paggamit ng ating sariling wika sa isang national pageant.

“Sinabi ko noon na gagawa ako ng sarili kong kasaysayan para sa susunod na henerasyon… Kasaysayang magbubukas ng pinto sa mga kabataang babae na may pangarap lumaban sa malalaking patimpalak at maging isang Beauty Queen!” sabi ni Herlene.

Dagdag niya, hindi kabobohan ang sumagot sa Q&A ng isang pageant sa Tagalog at naging mas makabuluhan pa raw ito dahil sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika.

“Huwag matakot maging iba! Laging maging binibining hindi inaasahan! Dahil iyang ang inspirasyon tatatak sa masang Pilipino. Hindi kamangmangan ang hindi marunong magsalita ng Ingles! Huwag natin silang kutyain, bagkos turuan natin sila. Mahalaga din ang Ingles sa atin, pero hindi ito simbolo ng karangyaan. Ngayon Buwan Ng Wika! Samahan niyo akong payabungin ang wikang Filipino! Ilokano, Ilonggo, Bisaya, Bikolano, Waray, saan panig ng bansa, huwag ikahiya ang salita na tunay na maghahayag ng atin damdamin. Dahil tayo ay may kakaibang ganda na may misyon!” sabi pa niya.

In fairness, marami nga ang humanga sa tapang at paninindigan ni Herlene na sagutin ang tanong ng huradong si Cecilio Asuncion tungkol sa transfornation ng komedya sa grand coronation ng Binibining Pilipinas 2022.

Pagkatapos ng nasabing pageant, maraming nagsabi kay Herlene na sumali pa uli siya sa beauty pageant dahil deserving niya ang makakuha ng titulo at korona.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *