SUSPENDIHIN MUNA!

Inihayag ng Land Transportation Office (LTO) nitong Martes na naglabas ito ng utos sa ilang local government units (LGU) na suspendihin pansamantala ang pagpapatupad ng ‘no contact apprehension’ policy (NCAP) dahil umano sa mga reklamong natatanggap mula sa mga motorista.

Ayon kay Lawyers for Commuters Safety and Protection president Atty. Ariel Inton, nakarating na sa kanila ang utos ni LTO chief Teofilo Guadiz III.

“Malaking bagay po ‘yung statement ng ating LTO chief na isuspinde muna itong NCAP dahil sa patong-patong na reklamo na pinapahayag ng ating mga motorista,” saad ni Inton sa isang panayam.

Nitong nakaraan, sumulat si Guadiz sa ilang LGUs na suspendihin muna ang programa para plantsahin ito. Kabilang sa mga nagpapatupad ng NCAP ay Manila City, Parañaque City, Quezon City at Valenzuela City.

Sinabi naman ni Inton na sumulat din sila sa LTO noong nakaraang linggo matapos hindi payagan ang ilang motorista na makapag-renew ng rehistro ng kanilang mga sasakyan dahil sa hindi pagbayad sa traffic violation.

Para rin sa grupo, dapat ipataw sa driver ang traffic violation at hindi sa registered owner o operator.

Dagdag ni Inton, masyadong labis ang multa sa ilalim ng NCAP.

Kung matatandaan, tinutulan ng isang commuters group ang implementasyon ng NCAP.

“Walang pagtutol ang transport group para sa disiplina sa kalansangan. Pero napakarami pong reklamo na legitimate concerns,” saad ni Inton sa isang naunang pahayag. “Bakit natin hahayaan na patupad tayo ng patupad nito nang hindi naman natin naa-address ‘yung purpose ng ating ipinatutupad?”

Ayon sa grupo, dapat ipataw sa driver ang traffic violation at hindi sa registered owner o operator. Hindi umano nadidisiplina ang mga pasaway na driver nito.

“’Yung excessive fines, unconstitutional ‘yan. Tingnan niyo magkano kinikita ng driver, tapos magpe-penalize ka nang ganun kalaki,” sabi pa ni Inton.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *