Habang umiigting ang labanan sa pagitan ng Russia at Ukraine ay kapansin-pansin naman ang pag-init sa pagitan ng China at Taiwan triggered by the visit of US House Speaker Nancy Pelosi.
Mahirap mangyari na sumiklab ang giyera sa pagitan ng Taiwan at China dahil siguradong maapektuhan ang Pilipinas kapag nangyari ito at bleak ang outline nito sa atin lalo na sa ating ekonomiya at seguridad.
Hindi natin kailangan ang ganitong sitwasyon dahil nagrerekober pa lamang tayo mula sa pandemya at ang inflation ng bansa ay tumataas.
Ang mga eksperto ay medyo negatibo ang analysis sa mga pangyayaring ito dahil sabi nila ano ang tunay na intention nina Pelosi at ni US Secretary of State Anthony Blinken sa pagbisita sa Taiwan at Pilipinas respectively.
Ayon sa Integrated Development Studies Institute (IDSI) isang think tank, ang Taiwan isyu ay dangerously shaping up to be a powder keg that can easily spiral into a Ukraine in Asia.
Worth looking into more deeply, kasi tingnan natin kung gaano karami na ang namamatay sa Ukraine at ang magandang bansa ay nadurog dahil sa giyera. Kung ipinatupad lamang ang Minsk agreements na handang ipatupadng Ukraine at European Union (EU) para maiwasan ang laban ng magkakapatid, ay nakakapagtakang hinarangan ng US at UK kasama na rin siguro si Ukrainian President Zelensky.
Nilagdaan internationally ang nasabing kasunduan na dapat ipatupad ngayong 2022 pero hindi nangyari kaya nagkandamatay ang mga tao sa nabanggit na bansa.
Sana mabago na ang sitwasyon kung saan lagi na lamang nangangako ang US sa pamamagitan ng pagbisita sa mga kaalyadong bansa at ito ay inulit ni Blinken sa pagdalaw niya sa bansa at sinabing tutulong sila sa Pilipinas kung ito ay aatakihin ng kalaban sa harap mismo ni Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Standard operation procedure ba yan ng mga Kano para mapacify nila ang mga bansa na magpatuloy na patuluyin sila para magtayo ng kanilang mga base military. Tingnan po natin ang katotohanan na binibigyan nga tayo nila ng barkong pandigma pero pinaglumaan nila at kailangan pa nating ipaayos para magamit. Hay buhay mga Katribu. Ganyan ba ang totoong “Kaibigan at kaalyado” ang bigyan ka ng pinaglumaang gamit?
Ang sabi ni Dr. Mario Ferdinand Pasion, director ng Phil-BRICS Strategic Studies at chairman ng Nationalist Filipinos Against Foreign Intervention, dapat maging vigilant at circumspect ang Pilipinas towards that thing.
Bagamat patuloy ang pagsasabi ng Marcos administration at ng Department of Foreign Affairs (DFA) ng kanilang commitment sa One China policy at obserbahan ang restraint ng bawat partido: “Diplomacy and dialogue must prevail.” Ayan ang sabi ni Dr. Pasion.
Well, sana hindi tayo mahatak sa kaguluhan dahil hindi naman yata nagbabago ang polisiya ng China na gumamit ng dahas dahil peaceful pa rin ang kanilang approach patungkol sa isyu ng Taiwan.