Dapat imbestigahan

Matapos almahan ng ilang mga motorista ang ipinatutupad na No Contact Apprehension Policy o NCAP sa ilang lungsod sa Metro Manila, hinihiling ngayon ng isang mambabatas na imbestigahan ang mga reklamo ng ilang mga tsuper at motorista.

Ang NCAP ay isang paraan upang mabawasan ang magiging dulot na trapiko sa lansangan kapag may hinuhuling mga traffic violators, at isa ito sa mga ginagamit na rin sa ibang bansa.

Subalit hindi maiaalis na talagang magreklamo ang ilang mga motorista dahil umano sa pagiging “unfair” nito lalo na kapag dumating na ang violation kasi nga naman, hindi na nila ito maiaapela pa.

Kaya nitong nakaraan, ipinaliwanag ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers na kailangan din umanong alamin ng Kamara kung naayon sa batas ang NCAP na ipinatupad ng local government units (LGU) at Metro Manila Development Authority (MMDA).

Ayon sa mambabatas, kahit maganda umano ang layunin ng NCAP para madisiplina ang mga motorista at mga tsuper, kailangan matiyak na hindi magagamit o maabuso ang programa.

“This NCAP system is laudable since the intent is to discipline erring, abusive or wayward drivers. But the implementors, I was told, are imposing excessive fines and could be violating the Constitution since there is no due process of law,” saad ni Barbers.

“Likewise, there is no law, ordinance, or regulation prohibiting vehicle registration due to non-payment of fines for traffic violations,” dagdag niya.

Hirit pa ni Barbers, dahil sa pangalan ng nakarehistro sa sasakyan ang pinapadalhan ng sulat kapag nahuling lumabag, nais niyang malaman kung sino ang padadalhan ng sulat kapag “red plate” o sasakyan ng gobyerno ang nahuli sa NCAP.

Pinuna rin ni Barbers na ang MMDA lang ang tanging lugar kung saan makakaapela ang driver na may reklamo sa ginawang paghuli sa kaniya.

“MMDA would be the only forum where drivers can file their grievances, complaints, and protests, then the agency would virtually become the accuser, judge and executioner,” sabi ni Barbers.

Sang-ayon kami sa sa tinuran ni Barbers, dahil kailangang malinaw sa lahat kung ano nga ba ang saklaw ng NCAP upang maiwasan ang hindi pagkaka-unawaan.

Marapat lamang na magkaroon ng imbestigasyon kaugnay dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *