Dapat tutulan

Nitong nakaraan ay naglabas ng isang internal memorandum ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa mga kawani nito na pigilan umano ang pagdi-distribute ng mga libro na mayroon umanong “anti-government” text sa mga paaralan at public libraries.

Nakalagay umano sa memorandum na ang basehan ng kautusan ay ang “inciting to commit terrorism” na makikita sa Article 9 of RA 11479 ng Anti-Terrorism Act.

“Right now, we are stopping the books with subversive texts. We will see, moving forward, the instructions of director general of the commission,” saad ni Dr. Benjamin Mendillo, full-time commissioner ng KWF Administration and Finance.

“Nakalagay dun pagpaptigil doon sa pagpapakalat or proliferation kasi right now there are many stocks… but also on the last paragraph, inaatasan ng director general ng komisyon na maglabas ng hiwalay na liham para ipaliwanag ang rason ng pagpapayigil sa proliferation,” dagdag niya.

“NTF-ELCAC is not yet in the picture but on our own we have reviewed the text and we have found evidence, explicit idealism, ideology, CPP NPA taglines,” sabi pa ni Mendillo.

Siyempre, tutol ang nasa academe at ilang mga grupo dahil mukhang pagsikil sa karapatan na magpahayag ang ginagawa ng KWF.

“Marami sa mga aklat – Filipino man o Ingles – ang tiyak na may mababanggit na citation o sipi mula sa iba’t ibang sanggunian, kasama na yaong mga isinulat ng mga grupong itinuturing ng gobyerno na subersibo o rebolusyunaryo. Ang gayong pag-cite o pagbanggit sa mga sipi na mula sa iba’t ibang sanggunian ay hindi dapat ituring na akto ng pagsang-ayon o pakikisimpatya sa alinmang sinipi kundi bahagi ng tipikal na akademiko at iskolarling proseso ng mapanuring pagsipat sa iba’t ibang sanggunian,” saad ng isang grupo.

“Bahagi ng akademikong kalayaan ng mga manunulat, guro, mananaliksik at ng lahat ng mga mamamayan ang pagbabasa, pagsusuri, pagsipat, pag-cite, pagsangguni at paggamit sa KAHIT ANONG BABASAHIN, SINUMAN ANG SUMULAT AT SINUMAN ANG NAGLATHALA,” dagdag pa nila.

Samantalam sinabi naman ni Department Of Humanidades ng University Of The Philippines Los Banos professor Dr. Laurence Castillo na labag sa Konstitusyon at dapat tutulan ang bagong mandato ng KWF na ipatigil ang pag-iimprenta at pamamahagi ng ilang libro dahil subersibo umano ang mga ito.

Dadgag pa niya, pagsikil sa kalayaan sa pamamahayag ang utos ng KWF at giit pa niya, may “Bill of Rights” sa Konstitusyon para protektahan ang freedom of expression ng mga manunulat at publiko.
Ito ay isang bagay na dapat bantayan at tutulan, aniya.

Balak naman kuwestiyonin ng ilang grupo sa korte ang Anti-Terrorism Act na siyang itinuturong basehan sa pagpapatigil sa pamamahagi ng aklat.

Sa ganang amin, mukhang wala sa lugar ang ginagawa ng KWF, dahil ang mga librong ito ay sumasalamin sa buhay ng mga Pilipino sa kani-kanilang mga opinyon at pananaw.

Hindi ito dapat sikilin o pigilan dahil kasama ito sa freedom of expression ng mga manunulat at publiko, kaya dapat talagang tutulan ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *