Donnalyn Bartolome, binash

Katakot-takot na bashing pala ang inabot ng vlogger na si Donnalyn Bartolome matapos ang kanyang street party na theme sa kanyang recent birthday celebration at ayon sa mga netizens, bakit umano ginawang theme ang kahirapan.

Pero hindi naman nagpatinag ang dalaga at nagpaliwanag ito sa isang social media post.

“THANK YOU FOR MAKING US #1 TRENDING ON ITS FIRST DAY!! Pinakasimple pero pinakamasayang birthday ko. My Kanto Birthday Party is not just a concept, this was my life when I left home abroad where my life was comfortable… Pero hindi mo maaabot pangarap mo sa pagiging komportable lagi. Kaya nung umalis ako sa amin to work here sa Pinas, hindi ko inaasahan, kahit mahirap, isa siya sa adventure ko sa buhay na hindi ko makakalimutan,” sabi ni Donnalyn sa caption.

“So I relived the times when I was just starting out on my bday last month July 9, just like nung time na walang wala pa ako… Pero nandiyan yung mga taong mahal ako kahit butas butas ang shorts…at murang sapatos at tsinelas lang kaya kong bilihin. Ngayon.. mas dumami pa ang nagmamahal sa akin kahit ganito mga trip ko. Kayo na mag caption each photo HAHAHAHAHA!!!” dagdag niya.

Among those who attended Donnalyn’s birthday party were Ella Cruz, Julian Trono, Andre Paras, Richard Juan, Mikee Quintos and Paul Salas.

Sa isang Facebook account, binatikos ang party theme ni Donnalyn.

“Donnalyn, Kelan pa naging birthday theme ang kahirapan? Poverty forda content? Iba yung simpleng celebration because yun lang yung kaya ng iba nating kababayan dahil salat sa pera panggastos compare sa may kakayahan pero gagawing content. Reeks of privelege and stupidity all at once.”

Pero bukod sa bashing, marami rin ang nagtanggol sa dalaga.

“Gusto lang naman nila ma experience ung street party. I think theres nothing wrong sa celebration ng bday ni Donnalyn.”

“The theme was STREET PARTY not POVERTY. And no one is being mocked.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *