P20.4M ‘shabu’ nasamsam sa Q.C.

Humigit P20.4 million halaga ng “shabu” ang nasakote ng mga tauhan ng PNP Drug Enforcement Group-Special Operations Unit-NCR sa isinagawang buy-bust operation sa Lungsod ng Quezon, Lunes ng tanghali.

Ang operasyon ay ikinasa 12:40 ng tanghali sa kahabaan Varsity Lane West, Barangay Pasong Tamo.

Batay sa ulat ni PLt.Col. Arnulfo Ibañez, team leader ng PDEG SOU NCR, kinilala ang dalawang suspek na sina Jerome Labita (20) at John Lester Manipol (24), pawang mga taga-Sauyo.

Nasakote mula sa kanila ang isang piraso ng vacuum-sealed plastic Chinese tea bag na may tinatayang timbang na isang kilo at naglalaman ng hinihinalang shabu (P6,800,000); at dalawang piraso ng vacuum-sealed plastic Chinese tea bags na may tinatayang timbang na dalawang kilo na naglalaman rin ng hinihinalang shabu (P13,600,000).

Nasa kustodiya na ng otoridad ang mga naarestong suspek, gayundin ang mga nakuhang ebidensya para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Nahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerus Drug Act Of 2002).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *