Apo tinodas si lola

Napa-ukin*nam na lang ang kapitbahay ng isang lolang nadiskubreng naaagnas na sa loob ng kanyang sasakyan sa Nueva Ecija gabi nitong Linggo.

Kinilala ang bangkay ni Virginia del Rosario (68), residente ng Brgy. Castellano, na sumambulat sa compartment ng kanyang Nissan Xtrail na naka-park sa bakuran ng kanyang bahay.

Agad namang sumuko sa San Leonardo Police ang 15 años na apong lalaki.

Bagama’t umamin ay hindi na nito idinetalye pa kung paano niya napatay ang matanda noong 20 July.

Nasa kustodiya ng Municipal Social Welfare and Development Office ang suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *