Dapat palawigin!

Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Miyerkules na palalawigin umano niya ang state of public health emergency sa bansa hanggang sa huling araw ng 2022 dahil marami umanong ibinibigay ang international medical community kapag state of emergency.

yon sa Pangulo, isa ang World Health Organization ang nagbibigay ng tulong sa Pilipinas habang nagpapatuloy ang state of emergency na idineklara ng nakaraang administrasyin dahil sa pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa,

“Kung itigil natin ‘yung state of emergency, matitigil ‘yun. But if we can change — we are looking at amending the law in terms of procurement and all of that in the middle of an emergency. But that will take time. So malamang we will extend it until the end of the year,” sabi ni Marcos.

Kung matatandaan, idineklara ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang state of public health emergency noong March 8, 2020 kung saan layon nito na masawata ang pagkalat ng COVID-19 sa pamamagitan ng mandatory reporting ng mga bagong kaso, palakasin ang government response at ipatupad ang quarantine at disease control measures.

“The declaration of a State of Public Health Emergency would capacitate government agencies and LGUs to immediately act to prevent loss of life, utilize appropriate resources to implement urgent and critical measures to contain or prevent the spread of COVID-19, mitigate its effects and impact to the community, and prevent serious disruption of the functioning of the government and the community,” saad ng proklamasyon ni Duterte.

Mayroong pagkakaiba ang deklarasyon ng state of calamity at ng state of public health emergency, ayon pa sa dating Pangulo.

Samantala, sinabi naman ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na ang pagpapalawig sa state emergency ay nasa kamay na ng Department of Health.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *