Ryza Cenon, nanghihikayat

Nitong nakaraan ay nagbahagi ng larawan ang aktres na si Ryza Cenon sa kanyang social media kung saan hinihikayat niyang magpa-mammogram para malaman kung may early stage siya ng breast cancer.
Ayon sa dalaga, ang aktres na si Chynna Ortaleza ang nang-engganyo sa kanya na magpatingin.

“Hi everyone! So I just had my Digital Mammography, Breast Ultrasound and consultation done sa Asian Breast Center kasi alam niyo naman, hindi na tayo bata. Kaya I am imploring all of my fellow women, especially if you’re 35 or older at lalo na kung may history kayo ng cancer sa family niyo, to please make these tests a part of your annual medical routine. Wag na maghintay na may symptoms na makita or maramdam before mag pa check up,” sabi ni Ryza sa kanyang caption.

“I highly recommend that you get checked sa @asianbreastcenter with Dr. Norman and his accommodating and caring staff. Thank you Febe @chynsortaleza for encouraging me na ipa-check ko na rin and Ms. @jenizamann14 sa pag-aasikaso. #breastcancerawareness,” dagdag niya.

“P.S. Ok naman naging results ko. And hindi po masakit saka if masakit man po aalalayaan kayo ng nurse, tatanungin naman po kayo if nasasaktan po kayo or not. Sa experience ko po hindi naman po,” sabi pa niya.

Proud naman si Chynna sa kanyang kaibigan at talaga namang maganda layunin nina Chynna at Ryza para sa mga kababaihan dahil may kasabihan ngang, “prevention is better than cure.” At sa katunayan ay marami ang nag-share sa post na ito ni Ryza.

Pero maraming netizens ang nagkomento sa ipinost ni Ryza sa isang online website na hindi nila kaya ang gastusin sa check-up lalo na kung may involved nany pagpapa-laboratory.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *