AJ Raval, hindi nagpa-double

Dahil nais sumunod sa yapak ng kanyang amang si Jeric Raval na isang action star, hindi umano nagpa-double ang aktres na si AJ raval sa lahat ng action scenes niya sa bagong original Vivamax movie na “Sitio Diablo.”

Ayon sa dalaga, pinaghandaan niyang mabuti ang mga fight scenes sa pelikula na ipinagawa sa kanya ng kanilang direktor na si Roman Perez, Jr.

“’Sitio Diablo’ is a hard action movie at nagpapasalamat po ako sa Viva na binigyan ako ng ganitong project dahil noon ko pa pinapangarap na makagawa ng action movie. Ako mismo ang gumawa ng action scenes ko at fight routines dito. Hindi po ako nagpa-double kasi I really want to prove na kaya kong mag-action,” sabi ni AJ.

“Nagsisimula pa lang ako sa showbiz, ‘yun na talaga ang dream ko at ngayon, heto, natupad na ang pangarap ko,” dagdag niya.

Para kay AJ ang pinaka-challenging na eksenang ginawa niya sa movie ay hindi action scenes.

“Actually, hindi po ‘yung action scenes kundi yung love scene namin ni Kiko Estrada. First time ko siyang nakatrabaho at first time din siyang nakipag-love scene, so hindi pa siya sanay. Inabot sa point na napaso ako ng sigarilyo. Nasaktan din at nagkaroon ng mga pasa sa katawan. But it’s worth it kasi maganda naman lumabas sa screen ang eksena,” sabi ni AJ.

Nagkuwento rin ang dalaga tungkol sa mga naranasan niya sa pagsu-shooting sa Smokey Mountain at sa Baseco Compound sa Tondo.

“Ang hirap po sa crowd control kasi ang daming taong nanonood sa shooting,” saad ng dalaga.

Makakasama rin sa pelikula sina Benz Sangalang, Pio Balbuena, Cean Jr., Ace Raval, Just Hush at Because. Mapapanood na ang “Sitio Diablo” sa Vivamax simula sa August 26.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *