Jessy Mendiola, naiyak

Sobrang naiyak pala ang aktres na si Jessy Mendiola nang malamang positibo ang kanyang pregnancy test at sa isang bagong vlog, ibinahagi ni Jessy at ng kanyang asawang si Luis Manzano kung kung paano nila natuklasan na magkakaroon na sila ng Baby Peanut.

“Nararamdaman ko siya morning pa lang, may laman na… may laman na ‘yung tummy ko,” sabi ni Jessy, kaya tinawagan niya agad si Luis para bumili ng pregnancy test.

“That afternoon noong nag-test ako, doon na namin nakita na positive,” sabi pa ng aktres at noong una raw ay hindi pa makapaniwala ang aktres dahil aminado sila na hindi sila talaga nag-e-expect na makabuo dahil ilang beses na nila itong sinubukan pero madalas ay nabibigo sila.

Sa unang test raw ay medyo malabo pa kaya tinawag ni Jessy si Luis upang alalayan siya sa resulta.

Sa pangalawang try nila ng pregnancy kit ay naging malinaw na ang linya ay doon nila nakumpirma na talagang finally preggy na ang aktres at magkakaroon na sila ng panganay.

Isa pa sa mga rebelasyon nila, hindi nila agad sinabi sa kanilang mga pamilya ang pagbubuntis ni Jessy pero isa sa mga unang nakaalam ay ang Star For All Seasons at momsy ni Luis na si Vilma Santos.

Sunod daw na sinabihan nila ay ang mommy ng aktres at dahil excited raw ito ay naibalita na niya ito sa lahat ng kanilang kamag-anak.

Nang sabihin naman daw nila ito sa ama ni Luis ay labis rin ang saya nito ay may pa-bouquet of roses pa.

Sa ngayon ay nasa ika-2nd trimester na ang pagbubuntis ni Jessy at looking forward rin ang mag-asawa sa paglabas ng kanilang Baby Peanut at excited na rin silang libutin ang mundo at talagang sisiguraduhin nila na pangmalakasan ang mga magiging OOTD ng kanilang magiging baby.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *