Lyca Gairanod, sinagot ang mga isyu

Binasag na ng “The Voice Kids Philippines” season 1 winner na si Lyca Gairanod ang katahimikan nito kaugnay sa controversial answer niya sa Kapuso game show na “Family Feud”.

Nag-viral kasi sa Twitter ang video clip na kuha sa episode ng “Family Feud” kung saan tinanong siya kung sa anong hayop inihahalintulad ang corrupt na politiko.

Ayon sa dalaga, wala siyang nais ipakahulugan sa naging sagot at idinenay rin niyang ang kasalukuyang presidente ang kanyang tinutukoy.

“Guys, iki-clear ko lang ‘yung about sa issue na kumakalat nung August 15. Actually guys, hindi ko siya tinutugma sa presidente natin and syempre wala naman kaming karanasan sa Martial Law or whatever,” saad ni Lyca.

Paliwanag pa niya, naintindihan naman daw niya ang itinanong sa kanya ni Dingdong Dantes ngunit kapag ikaw na raw mismo ang nakasalang ay may pagkakataong mabibigla ka rin sa sagot mo at mabablangko.

“Ang hirap sumagot nang biglaan kasi nga mayroon lang kayong 3 seconds,” sabi ng dalaga at dagdag niya, hindi rin naman daw niya mapipigilan ang mga tao na magbigay ng opinyon ukol sa nangyari.

“Natatawa nga ako sa mga gumagawa ng isyu. Ginagawa nilang personal or ‘yung iba, hindi maka-move on pero atleast ‘yung presidente natin nakaupo na,” sabi ni Lyca.

Kaya naman humingi na rin siya ng tawad sa mga taong na-offend sa kanyang sagot na “tigre” lalo na kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.

“I’m so sorry po pero hindi po kayo ang tinutukoy ko. Mahal na mahal ka po namin. Kini-clear po namin ‘yun,” hinging paumanhin ni Lyca. “Talagang nabigla lang kami sa mga sagot namin.”

Inamin rin ni Lyca na naibigay na kasi ng kanilang kalaban ang naiisip niyang sagot kaya “tigre” na lanang ang nasabi niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *