DALAWANG KASO NG MONKEYPOX, NAITALA

Sinabi ng Department of Health (DoH) na mayroong naitalang dalawang panibagong kaso ng monkeypox sa Pilipinas at ayon kay DoH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ang dalawang bagong kaso ay may edad na 34 at 29.

Sinabi ni Vergeire na parehong nanggaling ang mga bagong pasyente sa bansang may kumpirmadong kaso ng monkeypox, pero hindi na nagbigay nang iba pang detalye si Vergeire tungkol sa mga pasyenwte.

Dahil dito, umakyat sa tatlo ang kumpirmadong kaso ng monkeypox sa Pilipinas.

Kung matatandaan, isang 31-anyos na pasyente ang unang kaso ng monkeypox sa bansa na inanunsyo ng DOH noong nakaraang buwan.

Ayon kay Vergeire, gumaling na at nakalabas na sa isolation ang pasyente noong Agosto 6.

Samantala, sinabi ni Vergeire na lumabas ang positive PCR result ng bagong kaso na 34-anyos na pasyente noong Agosto18. Samantalang Agosto 19 naman ang resulta ng PCR test ng 29-anyos na pasyente.

Naka-home isolation ang 34-anyos na pasyente habang patuloy ang isinasagawang contact tracing. Nasa isang healthcare facilty naman ang 29-anyos na pasyente.

Nasa 17 na close contact ang beneberipika ngayon, ayon sa opisyal.

Kabilang sa mga sintomas ng monkeypox ang lagnat, sakit ng ulo, sakit sa kalamnan, rashes, pamamaga at masakit na kulane.

Ang unang pasyente naman ay may 10 close contact ang pasyente at wala namang sintomas ang mga ito sa ngayon. Hindi naman nagbigay ng dagdag na impormasyon ang DOH sa pagkatao ng pasyente.

Handa naman daw ang DOH na matunton ang virus at anila, magpo-procure sila ng smallpox vaccines na gagana laban sa monkeypox.

Aabot sa 18,000 kaso ng monkeypox ang naitala sa buong mundo, ayon sa World Health Organization, kung saan 5 ang namatay at 10 porsiyento ang naospital. Sa kumpirmadong kaso sa buong mundo, 70 porsiyento ay galing Europa.

Noong nakaraang linggo, idineklarang “global public health emergency of international concern” ng World Health Organization ang monkeypox.

Paglilinaw naman ng DOH na hindi ito gaya ng COVID-19 na isang airborne disease.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *