Alice Dixson, may buwelta sa bashers

Binasag na ng aktres na si Alice Dixson ang katahimikan kaugnay sa mga bash na natatanggap niya dahil umano sa suot niyang gown noong GMA Gala Night.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang kanyang side of the story ukol sa tila “controversial” attire niya sa nagdaang Kapuso formal event.

“It has come to my attention na may mga nagalit, nainis, nag ba-bash tungkol sa lovely bright canary yellow gown ko na suot ko noong GMA Thanksgiving Gala,” sabi ni Alice. “Really??!”Tsk2, ang tao ng naman…”

“For me (and I also looked it up ha!) ang isang Formal Black and White event is simply that, a formal event. “No where on any of my invitations that I received (attached) did it say you could only wear black and white! So I’m sorry if I hurt your feelings or sensibilities,” dagdag pa niya.

Chika pa niya, ang akala niya ay na-achieve naman niya ang mga layunin na kailangan sa naturang gala night.

“I honestly thought I accomplished what was needed for the night: give thanks, mingle and meet my colleagues and the bosses, and have fun,” lahad ni Alice.

Tanong niya sa mga nang-okray sa outfit niya, “Kayo mga bashers, anong nagawa nyo??? Pls Lang huwag nmn kasi kayo masyado judgmental.”

Dagdag pa niya, “Peace & Thank you.”

Matatandaang naging usap-usapan kamakailan si Alice dahil sa kulay yellow na suot niyang gown noong GMA Gala Night kung saan karamihan sa mga dumalo ay nakasuot ng black and white attire.

Marami sa mga netizens ang nakapansin at kinuwestiyon ang aktres na diumano’y hindi raw na-inform sa theme ng event.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *