Bianca King, buntis na

Ibinalita ng aktres na si Bianca King na buntis na siya sa first baby nila ng kanyang asawang si Ralph Wintle at itinuturing niyang isang himala at milagro ang kanyang pagbubuntis kaya naman masayang-masaya niyang ibinahagi sa kanyang mga tagasunod ang good news sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.

Ipinost ng aktres sa IG ang mga litrato nila ni Ralph kung saan kitang-kita na ang kanyang baby bump. Sa solo photo naman niya ay pinahulaan pa ni Bianca sa mga netizens kung ilang buwan na siyang buntis.

“I lived my life exactly the way I wanted. Took my time and did everything I needed to do. When it was time for us chase the dream of becoming parents, we were ready as ever,” saad ni Bianca. “It was a long journey to get here. It was not easy – being in our mid-late 30s. I mentally gave up and was about to do IVF. But surprise! A natural miracle happened. I thank my beautiful husband for setting me on the path to becoming a mama. Ralph is already the best dog dad, being so hands on with Willow. We both feel confident that we will be the best parents.”

“I hope our baby inherits his looks and athleticism. But my personality and creativity, and our shared wit and wisdom,” dagdag pa niya.

As expected, bumaha nga ng pagbati sa comments section ng IG post ni Bianca kabilang na riyan ang mga mensahe mula sa kanyang nga kaibigan sa showbiz.

Sey ni Chesca Kramer, “Yey!!! Blooming mama!!!”

“I love you and my future inaanak!” ang mensahe ni Sofia Andres kay Bianca.

Comment ni Magie Wilson, “OMG! Congratulations B!”

Sey naman ni Beauty Gonzalez, “All set for Ninang Duties. We are all so excited for you.”

“Soooooo happy for youuuuuu!” ang post naman ni Mariel Padilla.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *