Katrabaho ang trumabaho

Sa pag-aakalang si mister ang humahalinghing ay nagpaubaya na lamang si alyas Janet sa pangangalabit ni Boy Romantiko.

Pagmulat ay nahulasan ang ginang sa naaninag.

Kinilala ng Sta. Maria Police ang suspek na si Rico Mar Birad (25), isa sa mga katrabaho ng kanyang asawang nangumbida ng inuman sa kanilang bahay sa Bulacan nitong Linggo.

Masaya ang inuman at ang biktima mismo ang nag-asikaso sa mga bisita.

Hanggang tablan ito ng pagod at mahimbing sa kanilang silid. Pagsapit ng madaling araw ay doon na ito pinasok at ginapang ng suspek.

‘Di na nagpatumpik-tumpik pa ang babae at agad na isinumbong sa kanyang asawa ang nangyari.

Agad naman nila itong isinuplong sa barangay na nauwi sa agaran niyang pagka-aresto.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 8353 o Anti rape Law si Birad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *