Michelle Madrigal, ayaw sa label

Inamin ng aktres at celebrity mom na si Michelle Madrigal na hindi umano mahalaga sa kanya ang paglalagay ng label sa isang relasyon at natutunan niya raw ito sa pakikipagrelasyon.

Naniniwala umano si Michelle na kapag nagkakaintindihan at nagmamahalan ang dalawang tao hindi naman issue kung may label ba ito o wala.

Kasunod nito, kinumpirma ni Michelle na may bago na siyang dine-date pero hindi pa niya ipinakikilala ito.

Sa kanyang bagong vlog, sinagot na ni Michelle ang lahat ng nagtatanong sa kanya kung sino ba ang lalaking kasama niya sa litratong ipinost niya sa Instagram story.

“I recently posted someone that I started dating. I was already casually dating before but I never posted anybody because I was also not emotionally available,” sabi ni Michelle. “I started seeing someone recently… I think we’re in a very good place. I don’t want to put any label dahil hindi naman importante ‘yun. We have an understanding. I think we’re pretty much on the same page.”

Inamin din ni Michelle na ang lalaking idine-date niya ngayon ay divorced na rin kaya talagang nagkakaintindihan sila sa ilang bagay na may konek sa pakikipagrelasyon at sa issue ng divorce.

“He’s also divorced, he got kids, so I think it was just a good, I would say, match sa lifestyle ko and sa lifestyle niya,” sabi ni Michelle.

Kung matatandaan, last year nang ibinalita ni Michelle na naghiwalay na sila ni Troy Woolfolk at nasa pangangalaga niya ang kanilang nag-iisang anak na si Anika.

Sa isa niyang IG post matapos ang breakup nila ng ex-husband ay nabanggit ni Michelle ang tungkol sa mga qualities na hinahanap niya ngayon sa isang lalaki.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *