Cloe Barreto, palaban sa eksena

Aminado ang sexy actress na si Cloe Barreto na mas mahirap ang kanyang pinagdaanan sa pinakabagong offering ng Vivamax na “Do You Think I Am Sexy” kumpara sa mga ginampanan niyang character sa mga sex-suspense-thriller movie na “Tahan” at “The Influencer.”

Ayon sa dalaga, ibang-iba naman ito sa mga previous sexy films na ginawa niya sa Vivamax dahil for the first time ay dalawang role ang gagampanan niya this time at kasama niya sa pelikula ang aktor na si Marco Gomez.

Sinabi pa ni Cloe na hindi rin siya natatakot sa overexposure kahit sunud-sunod na ipinalabas ang mga pelikula niya nitong mga nagdaang buwan.

“No, I’m not afraid of being overexposed. Kasi enjoy lang talaga ako when I’m acting before the camera, so give me more more movies pa,” sabi ni Cloe at dagdag niya, mas mahirap yung role niya sa bagong pelikula dahil sa dalawang different roles.

“Yung normal character ko is Charlize, a college student na breadwinner din sa family nila. I earn my living by being a camgirl, creating content online for a site called ‘Do You Think I Am Sexy?’. Now, sa online, ang name ko is Elle, na ibang-iba kay Charlize,” sabi ng dalaga.

“Mahirap gawin sina Charlize at Elle, but with the help of our director, Dennis Marasigan, I think nagawa ko naman nang maayos. Bilang artista kasi, kailangan, lahat puwede mong gawin,” dagdag pa ng palabang sexy star.

Nang matanong naman kaugnay kay Marco, sinabi niya na kilala na niya ang aktor.

“We know each other na kasi we’ve worked together in my first movie, ‘Silab’, with Direk Joel Lamangan. He played my lover there na nu’ng iiwan ako, I cut off his sex organ. Dito, may pagka-violent din ang naging relasyon namin kasi he’s taking advantage of me,” sabi ni Cloe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *