DSWD nakikipag-ugnayan na sa mga LGU na sinalanta ni Florita

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Social Welfare and Development (o DSWD) sa pamamagitan ng kanilang Field Offices (FOs) sa mga concerned local government units na apektado sa Luzon ng Severe Tropical Storm Florita.

Nagpadala na ang DSWD Central Office noong Lunes ng humigit-kumulang 10,000 Family Food Packs sa DSWD FO II. 1,600 FFPs ang ilalaan sa Provincial Social Welfare and Development Office ng Quirino; 3,400 FFPs sa Social Welfare and Development Isabela; at 5,000 FFPs sa DSWD Warehouse sa Ugac, Tuguegarao City.

Samantala, ang DSWD-CAR ay nag-activate na rin ng kanilang Quick Response Teams sa Regional Operations Center para sa patuloy na pagsubaybay sa kani-kanilang area of responsibility.

Sa Bicol Region, ang Provincial Action Teams at Municipal Action Teams sa lahat ng anim na probinsya sa loob ng rehiyon ay inatasan na rin na makipag-ugnayan sa kani-kanilang mga counterpart LGUs para sa mga update sa disaster response.

Habang ang Rapid Deployment Team ng DSWD FO III ay nakikipag-ugnayan na din sa DSWD Provincial Extension Offices sa rehiyon para sa on-the-ground information.

Sa Ilocos Region at Cagayan Valley Region, dumalo naman ang DSWD FO I at FO II sa Pre-Disaster Risk Assessment meetings kasama ang kanilang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council counterparts.

Nitong Martes, Agosto 23, 2022, ang departamento ay may mga stockpile at naka-standby na pondo na nagkakahalaga ng higit sa P1.7B para sa mga operasyon nito sa pagtugon sa kalamidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *