Dalagita nakatakas sa puting van

Nakaligtas ang isang 13 anyos na batang babae sa tangkang pagdukot sa kanya ng umano’y mga kalalakihang sakay ng isang puting van sa Caloocan City nitong Martes.

Kasalukuyan pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya.

Base naman sa pahayag ng Barangay 162, Sangguniang Kabataan, pauwi na umano noon ang biktima mula sa paaralan nang mapansin niya ang isang puting van na nakaparada sa harap ng Del Rey Village III.

Doon ay lumabas umano ang tatlong kalalakihan saka sinubukan umano siyang dukutin. Agad namang nagsisigaw ng tulong ang biktima. Mabuti na lamang at narinig siya ng isang tricycle driver na siyang sasaklolo sana sa kanya ngunit mabilis ding naalarma ang umano’y mga suspek saka nagsitakas.

Kasalukuyan namang inaalam ng mga tauhan ng baragay ang pagkakakilanlan ng tricycle driver.

Bagama’t hindi pa klaro ang pangyayari ay nakatakda namang sumailalim sa counseling sa DSWD ang biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *