Julia Barretto, bumilib sa sex workers

Inamin ng young actress na si Julia Barretto na tumaas ang respeto at mas lalo pa siyang bumilib sa mga sex workers habang ginagawa ang pinakamatapang at pinaka-daring niyang pelikula, ang “Expensive Candy.”

Siniguro ng dalaga na ibang-ibang Julia Barretto ang mapapanood ng madlang pipol sa pinakabagong movie ng Viva Films na ipalalabas sa mga sinehan simula sa September 14. Makakatambal niya rito ang award-winning actor na si Carlo Aquino.

Ayon sa girlfriend ni Gerald Anderson, game na game niyang sinunod ang lahat ng ipinagawa sa kanya ng kanilang direktor na si Jason Paul Laxamana na nakatrabaho niya sa pelikulang “Between Maybes” noong 2019.

“Never akong makaka-no kay Direk JP kahit ano pa yung ibigay niya, ipagawa sa akin, hindi ako makaka-no.

“Number one, the story is really nice. Nung nabasa ko yung script, I immediately knew I wanna do it. Yes, I’m very excited to do it,” pahayag ng aktres.

Isa sa mga ginawang paghahanda ni Julia para sa kanyang karakter bilang Candy ay ang personal na pagpunta sa “walking street” ng Angeles City. Doon, nakipagchikahan talaga siya sa mga sex worker at nag-aral ng sexy dance numbers.

“Ang daming beses namin nag-usap ni Direk at saka nag-meet bago kami nag-start mag-roll. Pero siguro, my favorite thing always to do before doing a film is immersing.

“Unforgettable yung night namin ni Direk sa Angeles City and we were able to visit the walking street kung saan mismo kami nag-shoot.

“Tapos, naghanap po kami ng puwedeng reference ko for Candy, na ngayon, naging kaibigan ko rin.”

“I thought after ASAP, tapos na akong sumayaw, pero napasabak ako sa G-Force for this. Nag-workshop muna ako ng mga seksing sayaw bago kami mag-start mag-roll. That’s the best part, immersing to become the character,” sabi ng dalaga.

“Marami po akong kinailangang panoorin for this but iba pa po talaga yung mag-immerse ka kung saan naka-set at naka-based yung kuwento,” dagdag niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *