Baby girl ang ipinagbubuntis ng aktres na si Jessy Mendiola kaya naman tuwang tuwa sila ng asawa niyang si Luis Manzano.
Sa kanyang YouTube account ay ibinahagi ng aktres ang mga naging kaganapan sa kanyang gender reveal at bago ito, nagbigay muna ng mensahe ang kaanak nina Jessy at Luis.
“We’re all excited for Peanut and we’re praying for Peanut… is healthy. I’m just praying anak because this time it’s not husband and wife anymore. You’re going to be mommy and daddy,” saad ni Star For All Seasons Vilma Santos.
“Holistic na to, family na ito. We’re all here. We’re rooting for Peanut. And we will always pray for you both and yung coming family n’yong dalawa. I love you, Lucky. I love you, Jessy. I love you, Peanut!,” dagdag pa niya.
Ayon naman sa kaanak ni Jessy, “Congratulations! I’m so happy that you’re finally going to have an addition to the family. Being the responsible adults as you are, I’m sure you’ll responsible parents who will nurture, love, and guide your child as he/she grows older.”
Halatang halata ang excitement sa mga mata ng mag-asawa nang hawak na nila ang lobong puputukin na naglalaman ng gender ng kanilang panganay.
At nang tuluyan na ngang pumutok ang lobo na puno ng kulay pink na palamuti ay gulat na gulat si Jessy na babae ang kanilang magiging anak.
Team boy kasi ang aktres samantalang ang TV host-actor naman ay naniniwalang babae ang magiging anak nila na siyang nangyari.
“Oh my gosh, we’re having a girl. I’m just really really happy and I’m sure she’s happy right now kasi nung nag-i-scan kami, naka-smile na siya agad,” sabi ni Jessy.
Nagpasalamat rin ang actress-vlogger sa lahat ng mga dumalo at nakisaya sa kanilang gender reveal.
“I’d like to thank everyone also na nandito. I’m really happy na nandito kayo. I’m just really so excited and peanut, ano ba? Peanut pa rin ba itatawag namin sa ‘yo? Parang sweet pea na dapat, di ba?” sey pa ni Jessy.
Nagbigay rin ng mensahe si Luis para sa kanilang paparating na little one.
“Peanut, we love you. And sabi namin, first and foremost is always the priority is for Peanut to be healthy regardless of the gender. Mommy and I will do our best to raise you, for you to be a blessing to other people,” saad ni Luis.
Birong dagdag pa niya, “Ngayon pa lang Peanut, alam mo na ha. Wala munang lalabas. Ang pwede ka lang lumabas pag nine months, after that wala na… Ngayon pa lang we love you very much.”