Limang kawani ng provincial government ng Negros Occidental ang kinasuhan at sinuspende dahil sa paggamit umano ng sasakyan ng gobyerno habang nag-inuman.
Apat na engineer at isang staff member ng provincial government ang kinasuhan ng grave abuse of authority at sinuspinde ng 60 days simula Martes, Agosto 23. Pinagbawalan silang makapasok ng kapitolyo matapos na inaprubahan ni Governor Bong Lacson ang rekomendasyon ng provincial legal office ang pagsampa ng kaso.
Ang lima ay pawang nagta-trabaho sa Office of the Provincial Agriculturist.
Dalawang counts ng grave abuse of authority ang ikinaso laban sa isang division chief dahil minura pa raw umano nito ang pinuno ng capitol cab service nang siya ay tawagan hinggil sa pagka-antala ng kanilang pagbalik sa opisina.
Nag-ugat ang kaso ng magreklamo mismo ang kanilang driver na mag-a-alas 8 na ng gabi ay pinag-aantay pa siya ng lima na nag-iinuman sa isang restaurant. Base sa trip ticket, 2 p.m. ang meeting ng lima sa Victorias City Hall noong Hulyo 25.
“Kami pinapatupad lang naman namin ang batas at utos ni Gov. Lacson na hindi tayo mag-abuso bagkus magserbisyo tayo sa publiko. This is taxpayers’ money at imagine pinaantay mo lang ang sasakyan habang ikaw ay umiinom. Tapos ang driver may pamilya din ‘yun,” saad ni Nellas.