Patay ang apat na mangingisda matapos na tambangan ng hindi pa nakikilalang salarin sa Pikit, Cotabato nitong Biyernes.
Kinilala ni PMaj. Maxim Peralta, hepe ng Pikit-PNP, ang mga biktimang sina Ray Benias, 47; William Cantonis, 41; Kalid Selongan 28; at Darwin Cantonis, 28; lahat ay mga residente sa Barangay Fort Pikit.
Pasado ala-una ng hapon nang maganap ang insidente sa Brgy. Manaulanan habang naglalakad pauwi ang mga biktima galing sa pangingisda sa Brgy. Lagunde, Pikit.
Narekober naman ng mga pulis sa pinangyarihan ng krimen ang mga basyo ng M16 rifles, patuloy pa rin ang pagsasagawa ng imbestigasyon.