Kasalukuyang nagsasagawa ng pagsisiyasat ang Negros Occidental Police Provincial Office (NOCPPO) dahil sa magkasunod na pananambang at pagpatay sa dalawang barangay chairman Negros Occidental nitong Biyernes.
Ayon kay Western Visayas Police Regional Office director, Brig. Gen. Leo Francisco, ay patuloy ang masusing imbestigasyon hinggil sa dalawang magkasunod na krimen.
Inaalam na rin ng mga awtoridad kung may kaugnayan ba ang dalawang kaso ito lalo na at pawang mga kapitan ng barangay ang nasawi.
Matatandaang nitong Miyerkules ng gabi nang tambangan at mapatay Brgy. Chairman Danilo Dautil (62) ng Barangay Cabcab sa bayan ng Isabela ng dalawang hindi kilalang suspek habang ay naglalakad pauwi sa kanilang tahanan.
Agad ding naisugod sa Isabela District Hospital si Dautil ngunit nasawi habang nilalapatan ng lunas.
Hinala naman ng Isabela Municipal Police, na Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ang nasa likod ng krimen.
Posible ding pagnanakaw o pulitika ang motibo sa pagpatay dahil sa pagsuporta ng kapitan sa kampanya ng gobyerno na National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.
Samantala, Biyernes naman nang tambangan at patayin din ni Brgy. Chairman Benjamin Javoc (54) ng Barangay Lalong sa bayan ng in Calatrava.
Madaling araw nang pasukin ng hindi bababa sa 10 mga kalalakihan na pawang mga armado ng baril ang pamamahay ng kapitan saka walang habas itong pagbabarilin na agaran nitong ikinasawi.
Napagalaman din mula kay PMaj. Lumyaen Lidawan, hepe ng Calatrava Municipal Police, na ilang mga mahahalagang papeles at salapi ng biktima, na nasa mahigit P20,000 ang tinangay ng mga suspek.