Tumataas pa rin

Ngayong pinayagan na ang boluntaryong pagsusuot ng mask sa mga open spaces at hindi matataong lugar, hati ang nagiging opinyon ng sambayanan kaugnay sa isyu dahil sa iba’t ibang kadahilanan.

Kung ang ilan ay nais nang paluwagin ang pagsusuot ng mask sa mga pampublikong lugar, karamihan naman ay nangangamba pa rin sa kaligtasan nila dahil ayon sa ilan, hindi pa rin natatapos ang COVID-19 pandemic.

Nariyan pa rin ang banta ng mga panibagong variants ng nakamamatay na sakit.

Sa aming tingin, mukhang kailangan pang pag-aralang mabuti ang pagpapatupad nang pag-aalis ng masks, dahil nitong nakaraan lamang ay inihayag ng Department of Health na tumataas na naman ang mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Nitong Lunes lamang ay sinabi ng DoH na nakapagtala sila ng 15,379 na mga bagong COVID-19 cases nitong nagdaang linggo.

Mula Setyembre 5 hanggang 11, naitala ng DoH ang average na 2,197 daily infections na 10 percent na mas mababa kumpara noong nakaraang linggo at sa mga naitalang bagong kaso, nasa 12 ang naitalang severe at kritikal.

Nakakaalarma rin ang naitalang mga namatay sa COVID-19, dahil nakapagtala ng nasa 300 na COVID-19-related deaths.

Hindi naman masama kung sakaling ayaw na nga ng mga mamamayan na magsuot ng mask, dahil kung minsan ay talagang nagiging abala ito.

Pero ang paalala namin, hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos ang pandemya, kaya mas maganda pa rin na mag-ingat.

Wala naman sigurong mawawala kung magsusuot pa rin ng masks, dahil baka mamaya, magkaroon na naman ng surge ng COVID-19 cases.

Pag-iingat pa rin ang pinakamahalaga sa lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *