Kim Chiu, dismayado

Nadidismaya pala ang aktres na si Kim Chiu sa tuwing nagtatalo sila ng kanyang boyfriend na si Xian Lim dahil hindi umano siya pinapatulan ng kanyang boyfriend.

“Sometimes lang po kasi hindi n’ya ako pinapatulan,” sabi ni Kim. “Sabi n’ya, ‘Usap na lang tayo bukas.’ ‘Ay, wala na. Hindi na ako galit bukas.’”

Mabait daw kasi itong si Xian kaya hindi na raw ipinagpipilitan ni Kim na makipagtalo dito kapag may hindi sila napapagkasunduan.

“Ganu’n po s’ya na tao. So, sobrang madalang lang po talaga [kami mag-away]. Hindi n’ya po ako papatulan kapag ganu’n. Parang… ‘Ano ba ’yan? Nakipag-away ako. Wag na lang.’ ’Yong mga ganu’n,” saad ng dalaga.

Salo naman ni Xian sa paliwanag ng kanyang nobya, tumatahimik lang din naman daw si Kim kapag s’ya naman ang galit.

“And vice versa din. Pag ako naman ’yong galit, parang ganito, ‘Kim, away naman tayo,’ hindi n’ya ako pagbibigyan,” natatawang sabi ng aktor.

“Pero, ’di ba, ’yong dynamics natin pag nag-aaway tayo is tapusin na s’ya kaagad?” pag-a-address pa n’ya kay Kim.

Aminado naman s’ya na noong mga unang taon nila bilang magkasintahan ay madalas silang mag-away pero nagbago na raw ito over the years.

“Siguro nu’ng una, nu’ng mga bago-bago pa kami, nagpapakipot si Kim, naggagalit-galitan ako. Pero ngayon kasi parang we make sure na bago kami matulog, e, magkakabati na agad kami. Pag-usapan na, tapusin na. Pag-usapan na ang kailangang pag-usapan,” lahad pa ni Xian.

Samantala, natanong din si Kim sa pang-iintriga ng ilang netizens kung bakit tila hindi na raw s’ya nag-a-“I love you” kay Xian sa Instagram.

“Hindi naman kailangang sabihin sa social media ang lahat ng gusto mong sabihin sa isang tao. Personal na buhay na namin ‘yon so siguro meron din kaming sariling desisyon kung ano ang ipo-post namin sa hindi,” sabi ni Kim.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *