Method acting, sinubukan ni Franki Russell

Talaga palang nag-immerse sa method acting ang aktres na si Franki Russell bilang paghahanda nito sa pelikula nila ni Diego Loyzaga na “Pabuya”.

“Yeah, we’re on method acting. When we both agreed to do this project, we haven’t seen each other for a while. And like Diego said, it was like in the story,” saad ni Franki.

At kahit nga may short-lived romance sa pagitan nila ni Diego, wala naman daw naging ilangan.

“No awkwardness po, when I came to the set and working with Direk and Diego. I just found it natural,” dagdag niya.

Kung matatandaan, marami kasi ang nakasilip nang pag-a-unfollow nila sa isa’t-isa sa kanilang respective Instagram accounts. Iyan kasi ang usong senyales ngayon—along with cryptic messages—ng mga nag-o-on the rocks na relasyon sa showbiz.

Sa ginanap na zoom mediacon ng Vivamax movie’ng Pabuya, kung saan silang dalawa ang bida, natanong namin si Diego tungkol dito. Kung naging kumportable ba sila sa set gayung tila may pinag-daanan sila.

Pero ayon sa aktor, bahagi lang daw ng paghahanda nila sa kanilang mga karakter sa Pabuya ang ginawa nilang pag-a-unfollow sa Instagram noon.

“Sa script, nakalagay na six years silang hindi nagkita. So, ginawa kong method acting na wag munang kausapin si Franki until na magkita kami sa set,” walang gatol na delivery ni Diego na hindi mo mabasa kung nagbibiro o seryoso.

“That style of acting… gumana naman kasi, ’yung mga lines niya sa akin [sa movie], ‘Na-miss kita’ and ’yung lines ko sa kanya, ‘Na-miss din kita,’” patuloy ni Diego.

“Pasok naman po sa roles namin at ’yung mga idols ko kasi sa Hollywood, laging method acting ang ginagamit. So, I tried method acting,” dagdag niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *