Hinaplos si nene

Rehas na bakal ngayon ang hinihimas ngayon ng isang lalaki matapos nanireklamo ng isang menor de edad na babae ng panghihimas ng kanyang puwet sa Lungsod ng Navotas, Sabado ng gabi.

Kasong Acts of Lasciousness in Relation to RA 7610 o Child Abuse Law ang kinakaharap ngayon ng suspek na kinilalang si John Lowel Bentor, 22 ng Bicol Area, Tanza II.

Sa ulat ni PSMs. Felbie Lim Puda ng WCPD – Navotas City Police, ay alas-9:30 ng gabi, nang maganap ang insidente sa isang tindahan sa nasabi ring lugar.

Kasalukuyan umano noong bumibili ang biktimang itinago sa pangalnag Lally, 16, kasama ang kanyang boyfriend nang bigla na lamang siyang lapitan sa likuran ng suspek saka walang ano-anong hinimas-himas at pinisil-pisil ang kanynag puwitan.

Mabilis namang pumalag ang biktima at nobyo nito saka dumiretso sa himpilan ng Sub-Station 1 at humingi ng saklolo na nauwi sa agarang pagkakaaresto sa suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *