Napapanahon na

Ang Pilipinas ay hindi talaga nauubusan ng mga malalakas na bagyong pumapasok at nitong mga nakaraang taon ay ilang matitinding bagyo na ang naranasan ng bansa na nagdulot ng malalaking pinsala.

At ngayong isang super typhoon na naman ang papasok sa bansa na pinangalanang “Karding”, marami na naman ang nangangamba na baka muling makasira ang gagawin nitong hagupit sa ilang mga lugar sa Luzon.

Kasabay nang mga pumapasok na bagyo ay ang kadalasang problema ng mga mag-aaral na nakaalis na ng bahay bago pa magdeklara ng “Walang Pasok” kaya naman nahihirapan silang umuwi dahil naaabutan na ng baha.

Kaya napapanahon na ang inilabas ng Department of Education na mga bagong guidelines para sa pagkansela at pagsuspinde ng mga klase at trabaho sa mga paaralan sa tuwing magkakaroon ng natural calamities.

Ayon kay DepEd spokesperson Michael Poa, ipinatutupad na ang Department Order No. 37 ng Kagawaran.

“In-person, online classes, and work from Kindergarten to Grade 12 and Alternative Learning System are automatically cancelled in schools situated in LGUs issued with Tropical Cyclone Wind Signals 1, 2, 3, 4, 5 by the PAGASA,” saad ng kautusan kapag malakas ang ulan.

“In-person, online classes, and work from Kindergarten to Grade 12 and Alternative Learning System are automatically cancelled in schools situated in LGUs issued with Orange and Red Rainfall Warning by the PAGASA,” dagdag nito.

Kapag baha naman, nakasaad sa kautusan na ang “in-person, online classes, and work from Kindergarten to Grade 12 and Alternative Learning System are automatically cancelled in schools in specific areas issued with a Flood Warning by the PAGASA”.

“Local Chief Executives shall decide on the cancellation or suspension of classes,” sabi pa sa kautusan.

“There will be an automatic cancellation or suspension of classes in the event that there are power outages/power interruptions/brownouts in schools,” dagdag nito.

“In the event of cancelled or suspended classes, modular distance learning, performance tasks, projects or make up classes shall be implemented to ensure that learning competencies and objectives are still met,” ayon pa sa DepEd order.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *