‘Shabu’, niraket ng pamilya

Kalaboso ang mag-ina at isa pa nilang kaanak na pawang mga umano’y tulak ng ipinagbabawal na gamot matapos na mahulihan ng nasa P1.6M na halaga ng shabu sa isinagawang anti-illegal drugs operation ng Provincial Intelligence Unit (PIU) sa San Mateo, Rizal, nitong Linggo.

Sa ulat ni PCol. Dominic Baccay ng Rizal PNP Provincial Director, kay PRO4A–regional director PBGen. Jose Melencio Nartatez Jr., ay kinilala ang mga nadakip na sina Joana Babasa y Cielo, high value individual, anak nitong si Ana Mae Oliva y Babasa at pamangkin na si Neavie Guzman y Babasa, mga residente ng Road-2 Rafaela-2, Brgy. Ampid.

Alas-2:35 ng hapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng PIU, Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), kasama ang Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) at San Mateo PNP na ikinaaresto ng mag-ina at pamangkin nito.

Nasakote mula sa tatlo ang walong transparent plastic sachet ng shabu na may bigat na 240 grams at street value na P1,632,000, isang sling bag, buy-bust money at P1,150 cash.

Nahaharap ang tatlo sa paglabag sa RA 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *