Maris Racal, handa na sa mature roles

Ready and willing na ang aktres na si Maris Racal para sa mga mature at challenging roles ngayong 25 years old na siya nitong nakaraang September 22.

Isa nga sa hiling ng dalaga at hiling niya ay ang magkaroon ng mga proyekto kung saan masusubukan ang kanyang versatility as an actress.

“Since 25 na ako, siguro a bit more mature na. Gusto ko mag-mature na talaga even sa roles. Siyempre one step at a time,” saad ni Maris. “Sa personal, mas nahanap ko na ‘yung level na thankful ako sa lahat ng nangyayari. Dati kasi sobrang worried ako sa career ko but now sobrang happy ako sa mga nangyayari sa akin.”

“Sa career ko naman ang dami kong dream goals na natupad and dream directors na nakatrabaho. Feeling ko sobrang solve na ako don. But I am aiming for more but at the same time I feel very grateful and contented,” dagdag pa niya.

Natanong din siya kung sinu-sino pa ang mga local celebrities na nais niyang makatrabaho o maka-collab sa susunod niyang mga proyekto.

“Sana makatrabaho ko na si Jericho Rosales. Sana makatrabaho ko na si Kathryn Bernardo,” sagot ng dalaga.

“Kung mako-compare ko ‘yung sarili ko sa younger Maris, masasabi ko na she gained more confidence and open. Mas willing na siyang matuto and mas nai-enjoy na ‘yung paligid niya. Hindi na siya anxious, hindi na siya nagwo-worry palagi.

Masayahin,” saad ni Maris.

Nauna rito, nagpasalamat si Maris sa lahat ng mga bumati at nakaalala sa kanyang 25th birthday. Nagkaroon siya ng party na dinaluhan ng mga kapamilya at ilang celebrity friends

“This was my first time to throw a party and the pressure was real tbh Thank you so much to everyone who came. U guys filled my heart with love,” ang caption ni Maris sa mga Instagram photos na kanyang ipinost.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *