Angeli Khang, komportable sa ‘G2G action’

Aminado ang sexy actress na si Angeli Khang na mas komportable siyang gumawa ng love scenes kung saan kapwa babae ang kapareha niya, at makikita nga ito sa pinakabagong pelikula niyang Girl Friday na offering ng Vivamax.

Kasama ng dalaga ang isa pang palaban na aktres na si Jela Cuenca.

“Actually, it’s much easier with girl-to-girl kasi kabisado mo na lahat. Kung anong meron siya, meron ka rin. Walang kapaan at kung ano ang puwedeng gawin,” sabi ni Angeli sa isang panayam.

Para naman kay Jela, hindi rin siya nahirapan sa eksenang ipinagawa sa kanila ni Direk Joel Lamangan.

“Mas madaling gawin kasi mas kabisado, especially kakilala ko si Angeli or babae to babae. For me, very comfortable to work with a girl than a boy. Kapag lalake kasi, parang masyadong marami ang boundaries,” sabi ni Jela.

Kasama sa bagong offering ng Vivamax ang aktor na si Jay Manalo at ayon kay Angeli, komportable rin siyang kaeksena ang beteranong aktor.

“It’s been nice working with Kuya Jay. He’s really different from on-camera and off-cam. Every day, may pagkain na handa.

Lagi siyang nagpapaluto ng tuyo o kaya mga home-cooked food sa set. Palaging masaya kapag nasa set si Kuya Jay. Mas naging close kami sa movie na ‘to dahil sa last movie namin, Mahjong Nights, hindi kami masyadong nag-uusap dahil super mahiyain ako. Hindi talaga ako masyadong nagsasalita,” sabi ni Angeli.

“Sabi ko nga kay Kuya Jay, baka kami na ang magka-tandem dahil palaging kami ang magka-partner sa movie,” dagdag niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *