PINAS, KULANG SA NURSES

Inihayag ng Department of Health (DoH) na nangangailangan ang Pilipinas ng nasa 106,000 nurses para punan ang kakulangan sa mga public at private facility at mga ospital at mayroon din umanong kakulangan sa iba pang medical personnel.

Ayon kay DoH officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kulang din ang bansa sa mga doktor, pharmacists, radiologic technologists, medical technologists, occupational therapists, physical therapists, midwives at mga dentist.

“We have a shortage or a gap of around 106,000 para mapunuan natin ‘yung mga facilities natin all over the country, both public and private,” saad ni Vergeire kaugnay sa mga nurses. “Sa ngayon, mayroon tayong mga plantilla positions that are still to be filled up sa ating mga ospital.”

“Nananawagan po tayo sa ating mga kababayan na our nurses here in the country, midwives in the country, our dentists, and other healthcare professionals, meron tayong vacant na plantilla positions para ma-hire namin kayo,” dadgag pa niya.

Sinabi rin ni Vergeire na hinihikayat rin ng DoH ang mga interesadong aplikante na makipag-ugnayan sa Human Resources Bureau ng ahensya para maiproseso ang kanilang mga dokumento.

Nag-aalala rin si Vergeire sa pangingibang-bansa ng mga Pinoy healthcare worker.

Nais umano ng DoH na panatilihin ang 7,500 yearly deployment cap ng mga healthcare worker.

“Isa po ito sa mga dahilan kung bakit nagkukulang ang mga healthcare workers dito sa ating bansa, specifically doon sa ating mga facilities. This is because of the migration of our healthcare workers,” sabi ni Vergeire.

“Hanggang sa kulang pa po ang produksyon ng ating bansa sa mga specific healthcare worker professions na ito, sana ‘yung deployment cap natin ay manatili na lang sa ganon,” dagdag niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *