Angelica Panganiban, hindi napagbigyan

Bago pa manganak ang aktres na si Angelica Panganiban ay may ibanahagi itong kuwento kaugnay sa kanyang asawang si Gregg Homan nang ayain niya itong magsayaw at mag-video sa Tiktok.

Sa kanyang Instagram stories ay ibinahagi ng aktres ang clip mula sa kanyang vlog noong ipinagbubuntis pa nito ang kanilang baby na si Amila Sabine at makikita sa video na nagsasayaw si Angelica sa harap ng kamera habang inaaya si Gregg.

Nakasakay sila sa kanilang boat habang nasa kalagitnaan ng karagatan.

“TikTok na tayo,” yaya ni Angelica kay Gregg habang umiindak. Tinignan lang niya ang aktres habang nagpupunas ng katawan at sinabing “No, thank you.”

Pumasok na sa loob ng boat si Gregg at sinabing na kukunin muna nito ang kanyang cellphone.

Tila humanap lang ito ng dahilan para pansamantalang matakasan ang panlalambing ni Angelica.

Sa sumunod na clip ay muli itong lumabas para samahan ang dyowa.

“Dali na tuturuan kita. Halika na,” pamimilit ni Angelica.

Hindi pa rin nagpatinag si Gregg at nanindigan na ayaw niyang sumayaw sa TikTok.

“No…. I love you but no,” sambit nito sabay halik sa tumatawang si Angelica.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *