Muling binuksan sa mga turista ang bansang Taiwan matapos ang dalawang taon at kabilang na ang mga Pilipino na maaaring bumiyahe sa Taiwan nang walang visa. Ang patakaran ay naging epektibo noong September 29, 2022.
Sa bisa ng inilabas na patakaran ng gobyerno ng Taiwan nitong Setyembre 22, papayagan nang makabisita sa bansa ng labing apat na araw ang mga turista kabilang ang mga Pinoy kahit walang visa.
Pero paglilinaw ng pamahalaan ng Taiwan, ipatutupad pa rin ang mandatory quarantine sa lahat ng mga turista, gayundin sa migrant workers.
Ayon naman sa pahayag ng Central Epidemic Command Center ng Taiwan, simula Oktubre 13 ay papalitan na ang mandatory quarantine na tinatawag na seven days of self-health management.
Ang mga biyaherong naka visa free entry sa Taiwan ay kailangang magpresinta ng round trip ticket, proof of accommodation o hotel booking, host o sponsor’s contact information at sufficient travel funds.