Sue Ramirez, hindi pa ready

Hindi pa umano handa ang aktres na si Sue Ramirez na lumagay sa tahimik dahil marami pa siyang gustong marating sa kanyang buhay at career.

“ANG dami ko pa pong gustong ma-achieve sa buhay ko, nagsisimula pa lang tayo, guys!” sabi ni Sue nang mapag-usapan ang tungkol sa pagpapakasal sa boyfriend niyang si Javi Benitez at ang pagbuo ng sariling pamilya.

Ayon sa dalaga, kahit pa medyo matagal-tagal na rin ang relasyon nila ng kanyang longtime boyfriend na si Javi ay hindi pa siya handang magkaroon ng sariling pamilya.

“Papunta pa lang tayo sa exciting part. So I say ‘go, go, go.’ Masyado kaming busy. Alam ko busy siya, ang dami pa niyang gustong gawin. Ang dami pa niyang gustong i-achieve. Tapos ako ganoon din ako. So I think naman at this phase we are on the same page. We respect each other’s work and we support each other sa trabaho na ginagawa namin. So we’re really not rushing,” saad ng dalaga.

Ayon pa kay Sue, chill-chill lang ang happy relationship nila ni Javi.

“Steady communication talaga. Of course, LDR (long distance relationship) kami. Medyo matagal na actually. Akala ko hindi ko masu-survive pero ito, guys, buhay na buhay.

“Okay naman. Okay naman so far. ‘Yun lang, kailangan lang talagang balansehin ng communication. Kapag nawala ‘yun, doon magiging shaky ang mga bagay na bagay. Pero as long as communication is alive, then I think magwo-work naman,” saad ni Sue.

Bukod sa bago niyang serye sa ABS-CBN na “Iron Heart” kasama sina Richard Gutierrez, Maja Salvador at Jake Cuenca, kasama rin siya sa bagong K-Love series ng Viu kasama pa rin si Jake Cuenca, at sina Iza Calzado, Isabelle Daza at Gabby Padilla.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *