Angelica Panganiban, engaged na

Panibagong milestone naman ang nararanasan ngayon ng aktres na si Angelica Panganiban dahil matapos ang kanyang panganganak, heto at engaged na siya sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan.

Sa kanyang vlog, sinabi ni Angelica na naganap ang naturang engagement noong apat na buwan nang nagdadalangtao siya at bago pa man ang proposal ay makikitang may mensahe si Gregg sa kanilang anak.

“Hi baby Bean, just wanted to let you know that daddy is very nervous because he’s going to ask your mommy to marry him today. It’s been a bit difficult for daddy to find the time to do this because of all the pregnancy stuff and mom’s been a bit moody lately but it’s not her fault,” sey ni Gregg sa kanilang baby girl ni Angelica.

“Daddy loves mommy very much and wants to spend the rest of our lives together. I hope everything goes well. I don’t think she has any idea that I’m going to ask her today,” dagdag pa niya.

At habang nasa dalampasigan nga silang dalawa ay dito na lumuhod si Gregg at hiningi ang kamay ni Angelica.

“Love ko, maraming paraan para sumaya sa buhay na ‘to pero ikaw lang yung kailangan ko. Angelica David Panganiban, will you marry me?” tanong ni Gregg na sinagot naman ng aktres ng “Yes, I love you.”
Sa mga sumunod na clip ng naturang vlog ay makikitang masaya at emosyonal ang aktres matapos ang nangyaring engagement.

“May baliw na nagpro-propose sakin. Kahit anong kabaliwan ko, pangit ng ugali ko, mahal na mahal ako,” sabi ni Angelica.

Mahigit dalawang taon nang magkarelasyon ang dalawa at nitong Setyembre 20 nang i-welcome nila ang kanilang panganay na anak na si Amila Sabine.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *