Dawn Chang, happy ngayon

Ibinalita ng aktres at dancer na si Dawn Chang na masaya siya ngayon sa piling ng kanyang bagong boyfriend na kanyang ipinakita sa kanyang IG nitong nakaraan lang.

Sa kanyang social media post, ipinakita ng dalaga ang isang larawan niya na kasama ang lalaking nagpapatibok ngayon sa kanyang puso – si Atty. Ralph Calinisan, ang executive officer ng Quezon City People’s Law Enforcement Bureau (PLEB).

“Para sa napaka espesyal na tao sa buhay ko. Maligayang kaarawan saiyo,” sabi ng aktres sa kanyang caption.

Ipinagdarasal din ni Dawn na sana’y palaging gabayan ng Maykapal si Atty. Ralph lalo na sa mga gawain nito bilang abogado kasabay ng kanyang pangako na palagi lang siyang nasa tabi nito anuman ang mangyari.

“May God continue to protect and guide you dahil napakabuti ng puso mo. Kasama mo ako sa kahit na anong laban. Mahal kita,” dagdag pa niya.

Kung matatandaan, si Atty. Calinisan din ang siyang tumayong legal counsel ni Dawn noong nagkaroon ito ng issue sa veteran showbiz columnist, radio host at vlogger na si Cristy Fermin.

Bukod dito, nakasama rin sila sa mga campaign rally ni dating Vice President Leni Robredo noong kumandidato itong presidente last May 9 elections.

Bumuhos naman ang mga positibo at nakakikilig na mensahe mula sa kanyang followers at celebrity friends.

Huling nakarelasyon ni Dawn ang aktor na si Justin Cuyugan. Naghiwalay sila noong July, 2021. Mismong si Justin ang nagkumpirma na nagkakalabuan sila ng aktres sa pamamagitan ng Instagram.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *