FB ni Ivana Alawi, naibalik na

Inanunsyo ng actress at sexy vlogger na si Ivana Alawi na naibalik na ang kanyang official and verified Facebook page na may more than 19 million followers.

“I’m back!! Finally naibalik at naayos na ng Meta yung page ko, Working na sila to fix our Ivana Skin page” sabi ni Ivana. “Naayos na ng Meta team although di parin naayos ung Ivana Skin page … Konting tiis nalang.”

Matatandaan na nito lang October 3, sa kanyang short Instagram video, ay dismayadong ipinaalam ni Ivana sa publiko ang pagkaka-delete umano sa kanyang verified FB page at business page kahit wala naman daw s’yang violations.

“Hi, guys! Tinanggal ng Facebook ang page ko. No violations, no update kung bakit nila tinanggal and bigla na lang nila ni-remove, and wala silang update sa amin,” lahad ni Ivana sa kanyang video na deleted na sa ngayon.

Nanawagan din ang aktres sa sinumang may koneksyon sa pamunuan ng Facebook para matulungan s’yang mai-restore ang kanyang FB pages.

“And guys, if you know anyone from Facebook who can help us,” panawagan n’ya. “[H]indi lang ako ’yong trip nila. Meron din akong mga kakilala na tinatanggal nila basta-basta ang mga big pages na verified,” dagdag ng dalaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *