Holdaper patay sa engkwentro

Dedo ang isang hindi nakilalang lalaking umano’y sumalakay sa isang convenience store matapos na umano’y manlaban sa mga pulisya habang nakatakas ang kanyang kasabwat, sa Baliwag, Bulacan, nitong Linggo.

Sa ulat ni Bulacan Police officer-in-charge PCol. Relly Arnedo, dakong alas-2:00 ng madaling araw nangaganap ang insidente sa Brgy. Sulivan.

Nakatanggap umano ng ulat ang Baliwag police na may isang convenience store sa lugar ang nilooban at natangayan ng hindi nalalamang halaga pera ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo.

Mabilis na nagsagawa ng operasyon ang pulisya hanggang sa mamataan ang riding in tandem na tumugma sa paglalarawan sa dalawang umano’y nanloob sa establisyimento.

Agad na pinara ng mga awtoridad ang dalawa ngunit sa halip na huminto ay humarurot ang mga ito palayo hanggang sa ma-corner at nang wala nang malusutan ay pinaputukan ng nasawing suspek ang pulisya, dahilan upang gantihan rin siya ng mga ito ng bala.

Sandaling nagkapalitan ng putok, hanggang sa tamaan na nga ang isa sa suspek, agad namang nakatakas ang kasamahan nito na siyang nagmamaneho ng motorsiklo.

Narecover pinangyarihan ng engkwento ang isang Armscor pistol .45 cal, apat na basyo, magazine na loaded ng limang bala, at belt bag na salaping nasa P4,240 ang laman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *