Nanay ni-rape ng anak

Napasa-kamay na ng mga awtoridad ang isang lalaki na umano’y nagawang gahasain ang kanyang sariling ina, sa Bayan ng Kasibu, Nueva Vizcaya nitong Linggo.

Sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Rape na ipinalabas ni Judge Romeo Uyami Habbiling ng Regional Trial Court Second Judicial Region Branch 37, Bambang, Nueva Vizcaya, ay naaresto ng pinagsanib na pwersa ng Kasibu Police, Provincial Intelligence Unit ng NVPPO at Provincial Mobile Force Company ang suspek na hiniling ng pamilyang huwag ng pangalanan, 32, para maproteksyunan ang pagkakakilanlan ng kanyang ina.

Napag-alamang naganap ang panggagahasa ng suspek sa loob mismo ng kanilang bahay habang lango sa alak ang kanyang nanay.

Walang piyansang inirekomenda ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek na nakatakdang itinurn-over sa Bureau of Jail Management ang Penology Bayombong, Nueva Vizcaya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *