Loisa Andalio, lalong gumaganda

Maraming mga netizens na ang nakakapansin na mas gumanda at mas sumeksi pa si Loisa Andalio at maging ang boyfriend niyang si Ronnie Alonte ay yummy na rin ang itsura ngayon nang humarap ang tambalang LoiNie sa ilang members ng entertainment press sa finale mediacon ng kanilang Kapamilya teleserye na “Love In 40 Days”.

Marami nga ang nakapansin na parehong blooming at fresh na fresh ang aura ng celebrity couple kaya ang nagkakaisang komento ng lahat, magaling talaga silang mag-alaga sa isa’t isa.

Sa isang bahagi ng finale presscon ng “Love In 40 Days” ay natanong sina Ronnie at Loisa kung ano ang gagawin nila kung 40 days na lang ang natitira bago magunaw ang mundo.

“Magpapakasaya po. Kasi, 40 days na lang, so susulitin na namin,” sabi ni Loisa.

Sundot na tanong, magpapakasal na rin ba sila sa loob ng 40 days? Tugon ni Ronnie, “Oo magpapakasal kami ni Loisa!”

“Siyempre, kung ‘yun na lang ang natitirang araw, gagawin namin lahat para maging masaya lang. So, magpapakasal kami! At gagawa kami ng seven babies! Ha-hahaha!” sabi ni Ronnie.

Samantala, inamin din ng dalawa na kahit matagal na silang magkarelasyon ay may pagkakataon na nagkakailangan at nahihirapan pa rin sila sa mga pakilig at lambingan scenes nila sa serye under the direction of Manny Palo and Jojo Saguin.

“Nahihirapan din ako pag ganon. Alam mo ‘yung ‘pag awkward siya, ending ikaw din mao-awkward. So kailangan tulungan talaga. Ayoko naman mag-coach sa kaniya kasi ‘di ako acting coach. Kung ano lang ‘yung kaya kong i-share,” sabi ni Loisa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *