Thea Tolentino, hirap maging mabait

Aminado ang aktres na si Thea Tolentino na nahihirapan siyang gampanan ang kanyang bagong role sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters at talagang na-challenge umano siya dahil unusual ang role niya kumpara sa mga ginawa niyang projects.

Ayon sa kanya, medyo nangapa s’ya noong umpisa dahil mas nasanay umano s’ya bilang kontrabida sa mga nagdaan niyang teleserye.

“Ang bait ko pala dito. Hindi ako sanay,” sabi ni Thea. “Para sa akin po talaga, mas nahihirapan ako sa mga light na scenes, sa mabait na role. Mas at home po ako pag nagsusungit ako.”

Ilan nga sa mga teleserye kung saan s’ya naging kontrabida ay ang The Half Sisters (2014) with Barbie Forteza; Haplos (2017) with Sanya Lopez at Rocco Nacino; Asawa Ko, Karibal Ko (2018) kasama sina Kris Bernal at Rayver Cruz; at Madrasta (2019) with Arra San Agustin and Juancho Trivino.

At sa bagong shifting na ito, thankful daw s’ya sa paggabay ng mga direktor nilang, kabilang na ang creative director ng show na si Direk Joey Reyes dahil nanibago daw talaga s’ya noong first few days sa lock-in taping nila.

“Nu’ng umpisa po medyo kinakapa ko pa kasi talagang mabait ’yong character ko. But with the help of the directors po… talagang sinasabi nila sa akin, ‘Thea, mukha kang mataray dito. Tame it down,’” sabi ni Thea.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *