Trending na naman ang aktres na si Angelica Panganiban nang magpost siya ng isang black and white picture na karga at hinagkan ang anak na si Baby Amila sa kanyang Instagram.
Maraming naantig sa caption ng aktres na habang sinusulat namin ito ay kulang 200,000 ang nag-like at heart with more than 3,000 comments kaya talagang naging viral ang post.
“Pangakong ibibigay ko sa’yo lahat ng mga hindi ko naramdaman at naipagdamot sakin sa mundong ito at hihigitan ko pa sa kung saang mga bagay na pinalad ako. Pangakong hahawakan ko ang kamay mo at hahagurin ko ang likod mo sa tuwing hindi magiging patas ang tadhana sa’yo. Hindi mo lang ako nanay, ako ang magiging pinaka matalik mong kaibigan na handang mapuyat sa mga kwento mo, na susuporta at tutulak sa’yo patungo sa pagbuo ng mga pangarap mo,” sabi ni Angelica para sa anak nila ni Gregg Homan.
“Hindi ko kakalimutan ang tunog at pakiramdam ng tibok ng puso mo nang sa ganon, matulungan kitang buuin ito kapag pakiramdam mo binigo ka nito. Handa akong ibigay ang lahat ng lakas ko, dahil napakaliit na bagay nito para sa pag buo at pag kumpleto mo sakin. Maraming salamat at ginawa mo kong isang ina, anak,” dagdag niya.
Ang bagong nanay din na si @loveangelinequinto ang unang nagbigay ng red hearts at loudly crying face emojis. Ang sarap maging nanay, at ang sarap mabasa ito.”
Red heats emojis din ang sabi ni @montesjulia08.