Talagang hindi nagpapahuli ang multimedia star na si Maymay Entrata pagdating sa kantahan dahil ilang linggo kasi matapos i-anunsyo ang kanyang nominasyon sa “MTV Europe Music Awards” ay inilabas naman niya ang kanyang pasabog na bagong single.
Ang kanyang bagong single na “Puede Ba” ay nagtatampok sa isa pang Pinay singer na si Viktoria at bukod sa mapapaindak ka sa kanta, muling nagpakitang gilas ang Kapamilya star sa kanyang “high notes.”
Siyempre dahil diyan, proud na proud naman ang kanyang fans at heto ang ilan sa mga komento na aming nabasa.
“Yay! I love it!!! Galing ng birit mo Maymay! Hit na naman for sure!”
“Maymay stand out talaga ang boses mo…gustong-gusto ko boses mo…sarap pakinggan talaga.”
“Maymay super galing talaga ng boses mo, di me pinatulog sa ganda ng boses mo…”
“May Isa na naman akong collection sa playlist ko grabe Galing maymay.”
Sa pasilip naman ng music video, aba, lumabas ang pagiging kabogera ni Maymay na “all out” mula sa kanyang mga bonggang costumes at hataw na dance moves.
Huling naglabas si Maymay ng kanta noong nakaraang taon na pinamagatang “AMAKABOGERA,” at “Di Kawalan.”
Naging hit song ang “AMAKABOGERA” at dahil diyan ay naging nominado ang Kapamilya star sa MTV EMA bilang “Best Asia Act.”
concept
Kalaban niya sa monimasyon ang ilang artists na mula sa Indonesia, South Korea, Japan at Thai.